^

Metro

Quezon City naghahanda na sa ‘blended’ learning sa public schools

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

QUEZON CITY , Philippines — Inihahanda na ng Que­zon City government ang posibleng pagpapatupad sa  blended system of learning para sa basic education  upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa panahon ng may banta pa rin ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay QC  Mayor Joy Belmonte, patuloy na humahanap ng mga paraan ang lokal na pamahalaan para hindi maapektuhan ang pag- aaral ng mga estudyante sa panahon na may krisis.

“Nais nating matiyak ang kaligtasan ng ating mga estudyante nang hindi maantala ang kanilang pag-aaral at ang paghahanda na ­ating isinasagawa ay para sa lahat ng posibleng senaryo ” pahayag ni Belmonte.

Ang hakbang ay alinsunod sa localized Learning Continuity Plan (LCP) ng QC at mga interventions bagama’t batay sa survey na ginawa ng City’s Schools Division Office sa 65,283 mag-aaral sa iba’t ibang academic levels, may 48,769 o 74.6 percent ay nais pa rin ang face-to-face classes habang ang nalalabing 25.4 percent ay laan sa blended system of learning-online o modular.

Sinabi ni Belmonte na batay sa survey, ang lokal na pamahalaan ay gagamit ng kumbinasyon ng ibat-ibang  alternative learning options para sa darating na pasukan   sa August 24.

Anya, plano ng lokal na pamahalaan na gumamit ng  modular system para sa  kinder hanggang  Grade 6 at gagamit ng printed lear­ning modules  para sa mga mag-aaral at ipamamahagi sa pamamagitan ng mga kilalang learning hubs habang ang electronic devices na may modules ay ilalaan sa higher levels  na magbabawas sa gamit sa  internet.

“A more detailed school-based mapping will be conducted to identify the most appropriate learning modality considering the context of the students and the other stakeholders,” dagdag ni Belmonte.

Naghahanda rin ang lokal na pamahalaan ng kanilang  educational system para sa new normal sa pamamagitan ng pag-realign sa pondo para ipambili ng learning tools at electronic gadgets para sa mga mag-aaral at guro.

Nagsimula nang maki­pag-usap ang QC government sa pangunahing telecommunication companies para ma­bigyan ng maayos na internet service ang mga mag-aaral kung kinakailangan.

Nakikipag-usap din ang lokal na pamahalaan sa mga may-ari ng internet shops para gamiting blended lear­ning centers ang net shops para sa mga mag-aaral na walang laptop.

Sa ngayon ay bawal ang face- to -face classes dahil sa banta ng COVID-19.

Ang QC ay may  432,667 enrolled  na mag-aaral sa public school na may 15,423 teaching at non-teaching personnel.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with