Hinara­ngan na ng mga tauhan ng MMDA ang inner lane sa EDSA na siyang daraanan ng mga magbabalik-biyahe na bus sa Lunes sa ­unang araw nang pagsailalim ng Metro Manila sa gene­ral community qua­rantine.
Kuha ni Boy Santos
300 bus balik-biyahe sa pagsisimula ng GCQ sa Metro Manila
(Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 300 point-to-point buses ang papayagang bumiyahe sa Metro Manila sa Hunyo 1, sa unang araw nang pagsailalim nito sa general community quarantine (GCQ).

Sasabay ang mga bus sa pagbabalik-operasyon ng MRT, LRT at PNR na may limitadong pasahero para mapigilan ang pagkahawa sa COVID-19, ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

“Buhat sa 300, unti-unti itong madaragdagan hanggang sa papayagan na ang lahat ng mga bus”, dagdag pa ni Año.

Bukod sa mga tren at bus, papayagan na rin ang mga taxi, ride-hailing services, shuttle services at bicycles sa limited capacity buhat sa Hunyo 1 hanggang 21, ayon na rin sa ipapatupad na patakaran ng DOTR.

May ilang pagbabago na ipapatupad sa Lunes sa tinaguriang ‘modified EDSA’.

Kabilang dito ang pag­lilipat ng mga bus lanes sa inner ng EDSA sa tabi ng MRT.

Bilang paghahanda, tinibag na nga ang center island sa may Quezon Avenue station para ga­wing bus stop kung saan lamang bababa at sasakay ang mga pasahero.

Gagamitin ding bus stops ang mga footbridge sa EDSA.

Mahigpit na ipagbabawal ang mga pribadong sasakyan sa bus lane.

Sa point-to-point scheme, hindi maiiwasan na maglakad ang mga pasahero sa mga bus stop na kanilang pupuntahan.

 

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with