^

Metro

2 phases ipaiiral sa papasadang PUVs sa GCQ areas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 phases ipaiiral sa papasadang PUVs sa GCQ areas
Ayon sa DOTr, sa Phase 1 mula June 1-21, papayagan na magkaroon ng bus augmentation, taxis, transport network vehicle services (TNVS), shuttle services, point-to-point buses at bicycles na may limitadong pasahero lamang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sasailalim sa dalawang phase ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng pampasaherong sasakyan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na sisimulan sa June 1 sa NCR.

Ayon sa DOTr, sa Phase 1 mula June 1-21, papayagan na magkaroon ng bus augmentation, taxis, transport network vehicle services (TNVS), shuttle services, point-to-point buses at bicycles na may limitadong pasahero lamang.

Ang mga tricycles ay papayagan din pumasada sa ilalim ng Phase 1 pero dapat may approval ng nakakasakop na local government unit (LGU) dito.

Habang pinaiiral ang Phase 1, walang provincial buses  ang papayagan na pumasok ng Metro Manila.

 

Sa ilalim ng Phase 2 mula June 22-30, ang mga Public Utility Buses (PUBs), modern public utility vehicles (PUVs) at UV Express ay papayagan na pumasada pero limitado rin ang pasahero na kapareho ng uri ng  transport modes sa ilalim ng Phase 1.

Para matiyak na may limitadong pasahero ang lahat ng pampasaherong sasakyan, may 1-meter social distance rule ang ipaiiral sa bawat na akma sa health protocols.

Nilinaw din ng DOTr na laan ang mas maraming lanes sa EDSA para sa mga pampasaherong sasakyan.

Mayroon ding ilalagay sa EDSA na designated lanes para sa mga bisikleta at lalagyan doon ng Pedestrian Crossing at Bus Boarding Areas sa mga strategic areas ng EDSA.

Dapat ding sumunod ang mga public transport operators at drivers gayundin ang mga terminal administrators sa ilalim ng GCQ gaya ng pagsusuot ng mask sa lahat ng oras, pagpapatupad sa no-contact measures tulad ng cashless payments, paggamit ng thermal scanners, paglalagay ng alcohol at saniti­zers sa mga pampasaherong sasakyan, disinfection ng high-touch surfaces ng sasakyan, pagkakaroon ng  disinfection facilities sa mga terminals at pagsasagawa ng contact tracing kung kailangan.

Sa ilalim ng “new normal” arrangement, sinabi ng DOTr na ipaiiral ang paggamit ng teknolohiya para magkaroon ng road-based transport at maiwasan ang physical contact o face-to-face interaction upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Magkakaroon din ng online transactions sa licensing, registration, at iba pang documentary requirements sa LTO.

Ipopromote rin ng DOTr ang paggamit ng bisikleta upang maipaguyod ang physical distancing, mapangalagaan ang kapaligiran, kalusugan at magkaroon ng maayos na paggamit sa kalsada.

Related video:

vuukle comment

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with