Kabilang sa mga hindi na kailangan ang quarantine pass ay frontliners, workers na employed sa ilalim ng awtorisadong industriya, senior citizens, at ang mga nasa edad na 21 hanggang 51.
The STAR/Michael Varcas
Quarantine pass ‘di na kailangan sa GCQ
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Philip­pine National Police-Joint Task Force Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na hindi na kailangang magprisinta ng quarantine pass ang mga indibiduwal na papayagang makalabas ng kanilang mga bahay.

Ang pahayag ni Eleazar  ay  bunsod sa rekomendasyon ng Metro Manila Ma­yors na ibaba na sa general community quarantine ang Kalakhang Maynila.

Kabilang sa mga hindi na kailangan ang quarantine pass ay  frontliners, workers na employed sa ilalim ng awtorisadong industriya, senior citizens, at ang mga nasa edad na 21 hanggang 51.

Ani Eleazar, sa ilalim ng GCQ, mas marami ang pinapayagang lumabas lalo na sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan.

Nilinaw ni Eleazar na  kailangan pa ring gumamit ng face mask bilang proteksyon.

Inirekomenda rin ng task force sa mga edad 0 hanggang 21 at nasa 60-anyos pataas ay dapat manatili sa kanilang mga tahanan.

Related video:

QUARANTINE PASS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with