Ito ang binigyan diin ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar kaya dapat na masanay ang publiko habang may banta ng nasabing virus.
The STAR/Boy Santos
Checkpoint, curfew tuloy hangga’t walang bakuna vs COVID
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang checkpoint at pagpapatupad ng curfew hangga’t walang bakuna laban sa  COVID-19.

Ito ang binigyan diin ni Joint Task Force COVID Shield  Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar kaya dapat na masanay ang publiko  habang may banta ng nasabing virus.

Sinabi ni Eleazar na bahagi na ng “new normal” ang checkpoint at curfew hangga’t hindi nagiging available sa publiko ang bakuna para sa virus.

Idinagdag nito na bagamat  pinapayagan ang ilang bagay,  mananatili pa rin ang  pagsusuot ng face mask at social distancing na proteksyon laban sa virus.

Aniya, bahagi ng hakbang ang pagsasagawa ng checkpoint at pagpapatupad ng curfew upang maiwasan ang hindi mahahalagang biyahe ng ilan.

Epektibo rin aniya ang mahigpit na pagpapatupad ng community quarantine rules sa pag-iwas sa mas maraming nahahawaan ng COVID-19, batay sa pag-aaral na inilabas ng mga eksperto mula sa University of the Philippines.

Mayroong 4,398 quarantine control points at 115 dedicated control points sa bansa.

Related video:

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with