Ang mga sachet ng shabu na nasamsam sa isang service rider sa Makati City.
Miguel De Guzman
Service rider huli sa shabu
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2020 - 12:00am

MAKATI, Philippines — Dahil sa dis-oras na delivery isang service rider ang inaresto nang mabisto na may dalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P70,800, sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Nakapiit sa Makati Police Station ang suspek na si Peter Symon Obusan, 38, Lalamove rider, residente ng Bayabas St., Valenzuela Extension, Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Makati Police chief, P/Colonel Oscar Jacildo, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang parahin ng mga tauhan ng Makati Sub Station 6 at Station Intelligence Section ang motorsiklo ng suspek sa Nicanor Garcia St., Barangay Bel-Air , Makati.

Nang mamataan umano ng mga pulis na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita ‘ ang service motorcycle ay pinagdudahan ang rider dahil sa kakaibang oras ng kanyang delivery.

Nang siyasatin, natuklasan ang 6 na sachets ng shabu at 6 na 10 kulay pulang tableta na pinaniniwalaan ding shabu, 5 glass tube tooter, sling bag,  Huawei cellphone, P550 cash at identification card niya bilang Lalamove service rider, driver’s license.

Kinumpiska rin ang minamaneho niyang Suzuki Skyrider.

Katwiran ng suspek,  binayaran lang siya ng isang Chinese national na ihatid sa isa pang Chinese national sa Makati ang package sa halagang P500 na nakita naman sa text message sa kanyang cellphone.

Ikinakasa na ang mga reklamong paglabag sa Article 151 ng  Revised Penal Code (resistance and disobedience to a person in authority) at Reublic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with