^

Metro

2 Chinese sa ilegal na ospital, inilagay sa alert list ng BI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilagay ng Bureau of Immigration sa kanilang alert list ang dalawang Chinese national na nahuli sa ilegal na pagamutan sa Pampanga ngunit napakawalan din dahil sa teknikalidad.

Kinilala ang mga Tsino na sina Liu Wei at Hu Shiling. Naaresto sila sa pagsalakay ng PNP sa isang medical facility sa Fontana Leisure Park na eksklusibo para sa mga Chinese national nitong Mayo 19.

Ngunit napakawalan din sa parehong araw dahil sa kawalan ng kasong maisampa laban sa kanila. Ito ay makaraang idahilan ng pulisya na hindi agad nakapagpalabas ang Food and Drugs Authority (FDA) ng sertipikasyon na untested at ilegal ang mga gamot na nakumpiska.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na pagbabawalan na makalabas ng Pilipinas ang dalawang dayuhan at kapag nasabat ay isusuko sila sa Intelligence and Legal Division para sa imbestigasyon.

Sinabi pa ni Morente na apat pang Chinese national na pas­yente sa pagamutang sinalakay ang kanilang hinahanap ngayon.

Bukod sa kanila, nagsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang BI sa mga Chinese nationals na nahuli na nag-ooperate ng isa pang patagong ospital para sa COVID-19 sa Makati City.

Inaalam din ang koneksyon ng naturang mga Chinese na nahuli sa dalawang pagamutan.

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with