^

Metro

MRT-3 simulation run, isasagawa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isasagawa ng  pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang simulation run sa kanilang mga tren simula bukas, Mayo 30 at 31 para makita kung magiging epektibo ang ‘new normal protocols’ na ipatutupad nila sa sanda­ling tuluyan nang maibalik ang operasyon ng kanilang mga tren.

Bilang antisipasyon na rin ito sakaling tuluyan na ngang isailalim ng pamahalaan sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila sa Hunyo 1.

Ayon kay MRT-3 director Michael Capati, layunin ng simulation run na matiyak na magiging maayos ang pagpapatupad ng bagong sistema, na malaking pagbabago kumpara sa dating nakasa­nayan ng mga commuters.

Kabilang sa mga naturang pagbabago ay yaong pagbabawas ng bilang ng mga pasahero upang matiyak na mayroong physical distan­cing sa mga tren, pagsusuot ng face mask, pagsukat sa temperatura ng mga pasahero at iba pa.

Matatandaang natigil ang operasyon ng MRT-3 nang isailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila noong Marso 17, na may kaakibat na ban o pagbabawal sa mga pampublikong transportasyon.

Inaasahan namang magbabalik operasyon na ang MRT-3 kung mailagay na ang bansa sa GCQ.

vuukle comment

MRT 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with