^

Metro

75K hotel workers mawawalan ng trabaho

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng isang asosasyon ng mga hotel owners na posibleng umabot sa 75,000 manggagawa sa hotel at accomodation industry ang mawalan ng trabaho dahil sa pagkakaantala ng operasyon dulot ng coronavirus pandemic.

Sinabi ni Rafael Chico, legislative and liaison officer ng Philippine Hotel Owners Association Inc. (PHOAI) na ito ay dulot ng hindi pag-o-operate ng nasa 70%-80% na mga hotel dahil sa lockdown.

Tanging mga nag-o-ope­rate ngayon ay mga piling hotel at motels na ginawang quarantine facility sa mga nagbabalik na Overseas Filipino Workers (OFWs) o ‘accomodation’ ng mga healthworkers.

Aabot umano sa 75,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho kung ikukunsidera ang 1:1 na employee at room ratio.

Para makabangon umano ang industriya, kinakailangan na magbawas ng gastos ng mga hotel owners kabilang ang ­‘operating costs’ at suweldo ng mga manggagawa.

Dito nanawagan ang PHOAI sa pamahalaan na gumawa na ng mga pa­raan para mapasigla ang industriya nila.  Kabilang ang pagbibigay ng ‘short-term capital loans’ ng mga bangko ng pamahalaan, pagbawas sa ‘interest rates’ sa pautang at 100% tax relief sa kanilang ‘corporate income tax’ para ngayong taon.

Hiniling din nila sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ituloy ang COVID-19 Adjustment Measures Program na nagbibigay ng ayuda sa kanilang mga empleyado, tax holiday sa mga hotel workers at isubsidiya ng pamahalaan ang kontribusyon ng mga manggagawa sa mga kontribusyon sa Social Security System at Pag-IBIG hanggang katapusan ng 2020.

vuukle comment

HOTELS

OFWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with