^

Metro

Pasig, magbibigay ng learning devices sa mga estudyante

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pasig, magbibigay ng learning devices sa mga estudyante
Sa kanyang Facebook post kahapon, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na dalawa ang posibilidad na mangyari sa pagbubukas ng klase at ito ay ang pagbabalik ng klase o kaya ay magkaroon ng virtual classes.
The STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Magbibigay ang Pasig City government ng mga personal learning devices sa mga public school students sa lungsod, upang magamit nila sa muling pagbubukas ng klase.

Sa gitna na rin ito ng kinakaharap na coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ng bansa.

Sa kanyang Facebook post kahapon, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na dalawa ang posibilidad na mangyari sa pagbubukas ng klase at ito ay ang pagbabalik ng klase o kaya ay magkaroon ng virtual classes.

Gayunman, anuman aniya ang kalabasan ay naghahanap pa rin sila ng pondo para sa pagbili ng mga naturang personal learning devices para sa mga mag-aaral. Nanindigan pa ang alkalde na anuman ang mangyari ay hindi nila hahayaan na mahuli ang kanilang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Inihahanda na rin aniya nila ang pagkakaroon ng mas malakas na internet connections sa barangay level para mas mabilis makapag-download ng mo­dules ang mga mag-aaral sakaling tuluyan nang maging virtual ang klase, bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Department of Education (DepEd) hinggil dito.

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with