Ayon naman sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, ang mga biktima ay kabilang sa mga pamilyang dapat sana ay ire-relocate na sa ilalim ng programa ng National Housing Authority.
STAR/File
Bahay sa tabing-ilog gumuho: 1 patay, 3 sugatan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang dalagita, habang sugatan naman ang isang lola at dalawa niyang apo, nang gumuho ang kanilang bahay na nakatayo sa tabing ilog sa Brgy. Obrero, Quezon City, kahapon ng hapon.

Natabunan ng kanilang bahay ang mga hindi  pa nakikilalang biktima at kaagad namang nailigtas at naisugod sa kalapit na pagamutan, subalit, minalas na masawi rin ang dalagita dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa sketchy report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nabatid na dakong alas-2:00 ng hapon  nang maganap ang aksidente sa tabing ilog, na matatagpuan sa Rolling Road, Brgy. Obrero.

Ayon kay Jopet Abando, Deputy Ex-o ng Brgy. Obrero, at kapitbahay ng mga biktima, bago ang insidente ay nakarinig siya ng malakas na pagsabog, na tila aniya sumabog na transformer ng kuryente.

Nang kaniyang alamin ang pinagmulan nito ay nakita ang gumuhong bahay at bumagsak sa ilog.

Nabatid na nasa loob ng gumuhong bahay ang tatlong apo at kanilang lola kaya’t nadaganan ang mga ito.

“Sa tingin ko po mahina na ang pundasyon. Nabali po ‘yung pinaka biga niya tsaka ‘yung poste. Sementado po ‘yung poste nya pero ang mga sahig ay  kahoy,” ayon sa kapitbahay ng biktima.

Ayon naman sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, ang mga biktima ay kabilang sa mga pamilyang dapat sana ay ire-relocate na sa ilalim ng programa ng National Housing Authority.

Gayunman, natigil ang koordinasyon nito dahil sa naganap na coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with