^

Metro

30 pamilya sa Quezon City nawalan ng tahanan sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
30 pamilya sa Quezon City nawalan ng tahanan sa sunog
Sa imbestigasyon ni SFO1 Thaddeus L Tadeo, ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa 13th Avenue, sa Cubao.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kabuuang 30 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ni SFO1 Thaddeus L Tadeo, ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa  13th Avenue, sa Cubao.

Nagsimula ang sunog sa isang silid na nasa ikalawang palapag ng isang 2-storey residential apartment, na pagma-may-ari ng isang Irish Limjuco, 42.

Anim na paupahang bahay ang tinupok ng apoy.

Magkakadikit ang mga tahanan at kinailangan ng mga bumbero na umakyat sa bubong upang apulain ang apoy dahil sa makikitid na kalsada sa lugar

Ayon kay F/ Chief Insp. Gilbert Valdez, dakong alas-2:17 ng madaling araw nang tuluyang maapula ang sunog, na umabot lamang sa ikatlong alarma.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with