^

Metro

Barangay official na nahaharap sa kaso dahil sa SAP, umakyat na sa 134

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat pa sa 134 ang bilang ng mga barangay officials na nahaharap sa kasong kriminal dahil sa umano’y anomalya sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang natu­rang bilang ay 320% pagtaas mula sa 42 barangay officials lamang na unang kinasuhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) noong nakaraang linggo.

Tiniyak pa ni Año na hindi matatakasan ng mga naturang tiwaling barangay officials ang ginawa nilang panloloko sa pamimigay ng ayuda.

“Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda.  Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” ani Año.

Inaasahan naman aniyang madaragdagan pa ang mga masasampahan ng kaso dahil magsasampa pa aniya sila ng siyam pang kaso sa mga susunod na araw.

Minamadali na rin aniya ng mga awtoridad ang case build-up sa 86 iba pang kaso.

Anang kalihim, kabuuang 318 complainants ang nagtungo sa tanggapan ng PNP-CIDG at regional field units nito upang magsumbong hinggil sa umano’y katiwalian ng kanilang barangay officials sa pamamahagi ng SAP.

 

vuukle comment

SOCIAL AMELIORATION PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with