^

Metro

13 healthcare workers sa Ospital ng Tondo, may COVID

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 13 healthcare workers ng Ospital ng Tondo (OsTon) ang nadiskubreng positibo sa coronavirus disease (COVID-19) makaraang ipasara ang pagamutan at isailalim sa RT-PCR swab tests ang mga tauhan.

Sinabi ni OsTon Director Dr. Myrna Paloma na nasa quarantine na ang 13 nilang healthcare workers, habang tatlo ang una nang nakarekober sa sakit.

Muling binuksan kahapon ang OsTon makaraang ipasara ni Manila Mayor ‘ Isko Moreno nitong Mayo 11 hanggang Mayo 24 makaraang madiskubre na may mga healthcare workers na positibo sa virus. 

Habang nakasara, isinailalim sa masusing ‘disinfection’ at ‘sanitation’ ang lahat ng parte ng pagamutan at isinailalim sa Covid tests ang mga empleyado.

Muling tatanggap ang OsTon ng mga pasyente na nangangailangan ng medikal na atensyon habang nananatili ang pag-iingat na muling mahawa ang mga tauhan at mga pasyente sa virus sa pagpapatupad ng mas mahigpit na mga protocols.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with