^

Metro

Konsehal nagtaray sa COVID rapid testing

Pilipino Star Ngayon
Konsehal nagtaray sa COVID rapid testing
Isang netizen na si Alexia Guevarra ang nagposte sa social media ng video ni Councilor Arnel “Moti” Arceo na nagrerekord nang sandaling iyon nang ang ibang mga tao sa loob at labas ng session hall ay nag-aalisan na habang minumura sila ng konsehal.
Michael Varcas, file

Frontliners pinagmumura

MANILA, Philippines  — Kinastigo ng isang konsehal ng Pasay City ang health office staff ng pamahalaang-lungsod dahil sa paggamit sa session hall ng city council sa pagsasagawa ng rapid testing sa mga empleyado ng city hall laban sa coronavirus disease 2019.

Isang netizen na si Alexia Guevarra ang nagposte sa social media ng video ni Councilor Arnel “Moti” Arceo na nagrerekord nang sandaling iyon nang ang ibang mga tao sa loob at labas ng session hall ay nag-aalisan na habang minumura sila ng konsehal.

Sa paggiit sa kanyang posisyon bilang konsehal ng lungsod, kinukuwestyon ni Arceo ang pagsasagawa ng covid-19 rapid test sa session hall na anya ay regular na dini-‘disinfect’ dahil ginagamit ito sa mga sesyon ng city council sa kabila ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine.

Sa video na inirekord umano mismo ni Arceo,  ipinakikitang pinapagalitan niya ang mga empleyadong nakasuot ng personal protective equipment (PPE) sa loob ng session hall dahil sa ginagawa nila at sa paglalagay ng plastic cover sa entrance.

“Kung hindi delikado, tanggalin ninyo!P…..yan!” maririnig na sigaw ni Arceo.

Hinamon din niya ang mga empleyado na tanggalin ang kanilang mga face mask dahil wala siyang suot na ganito at pinagmumura niya ang mga ito.

Sinasabi pa ni Guevarra na ang mga medical technologist na naroon sa insidente ay dapat sanang magsampa ng reklamo laban kay Arceo pero tinutulan ito ni city health officer Cesar Encinares ang plano.

Ipinoste rin ni Guevarra ang isang memorandum ng human resource management and development office ng pamahalaang-lungsod noong Mayo 18 hinggil sa rapid testing para sa mga empleyado ng lungsod na gagawin sa loob ng Sangguniang Panglungsod Session Hall kamakalawa.

Wala pang reaksyon mula kay Arceo habang isinusulat ito.

Samantala, nagtakda ng dialogue si Pasay City Mayor Emi-Rubiano-Calixto kaugnay sa nag-viral sa social media na pagmumura at paninigaw ni Arceo sa ilang medical technologists nang madatnan ang isinasagawang rapid testing sa mismong session hall ng Pasay City Hall noong Mayo 19, 2020.

Pag-uusapan sa ipinatawag na pulong ng alkalde ang naging isyu sa nasabing video kung saan nagmumura at nagsisisigaw sa galit si Arceo.

Anang alkalde, nakipag-usap at nagtanung-tanong na rin sila sa mga sangkot sa pangyayari upang kunin at pakinggan ang kanilang panig kaya naniniwala siya na may misunderstanding lang kaya nangyari  iyon.

vuukle comment

ALEXIA GUEVARRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with