^

Metro

Netizen na ‘nagbanta’ kay Angel Locsin, iba pang artista sumuko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Netizen na �nagbanta� kay Angel Locsin, iba pang artista sumuko
Angel Locsin
ABS-CBN/Released

MANILA, Philippines — Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lala­king netizen na umano’y nagbanta na ipapapatay ang aktres na si Angel Locsin at ibang artista ng ABS-CBN sa isang post sa Twitter.

Sumuko sa NBI-Southeastern Mindanao ang suspek na itinago muna ang pangalan, 25-anyos, isang diver sa Samal sa Davao Del Norte.

Sinabi ng suspek na hindi siya ang may-gawa ng post sa Twitter na may username na NJ Abellanosa at useraccount na @AbellanosaNj. Iginiit ng suspek na hindi siya ang may-ari ng naturang Twitter account at pinag-aaralan ngayon kung ninakaw ang kanyang litrato ng ‘poser’.

Sa naturang post, nag-alok ang netizen ng P200 milyong pabuya sa sinumang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapapatay kina Locsin at iba pang artista na sina Kim Chiu at Coco Martin.  Nagbanta rin ito na pasasabugin ang ABS-CBN compound.

“Isa ka ba sa mga supporter ni Pangulong Duterte at GMA? Pwes, I will give you 200-million sa sinumang mga Duterte at GMA supporters ang makapatay kina Kim Chiu, Coco Martin at Angel Locsin.  Makakasama n’yo ang NPA para pasabugin ang ABS-CBN compound,” laman ng Twitter post.

Dito kinalampag ni Locsin ang NBI sa kanyang komento sa kanyang Instagram accouint: “Hello NBI? Beke nemen po...”

Upang patunayan na hindi sa kanya ang Twitter account, isinuko ng sumukong suspek ang kanyang cellular phone sa NBI para isailalim sa eksaminasyon.

Matapos ang post ni Locsin, naglabas ng pahayag ang NBI na magsasagawa ng agarang aksyon sa lahat ng uri ng pagbabanta at hinikayat na pormal na magreklamo sa kanila.

“If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed,” ayon sa NBI.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with