Sinabi ni Moreno ang mga kuwalipikadong benepisyaryo buhat sa 896 barangay ay tatanggap ng P1,000 bawat household sa ilalim ng City Amelioration Crisis Assistance Fund na makakatulong sa kanila sa panahon ng pandemic.
Philstar.com/Irish Lising
680,000 pamilya sa Maynila, tatanggap ng 2nd round ng cash aid
(Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 680,000 pamilya sa Maynila ang tatanggap ng second tranche na cash assistance buhat sa city government, ayon kay Mayor Isko Moreno.

Sinabi ni Moreno ang mga kuwalipikadong benepisyaryo  buhat sa 896 barangay ay tatanggap ng P1,000 bawat household sa ilalim ng City Amelioration Crisis Assistance  Fund na makakatulong sa kanila  sa panahon ng pandemic.

Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Moreno na ang mga residente buhat sa 300 barangay sa 1st, second at 3rd district sa lungsod ang nauna nang nakatanggap ng cash aid, kamakalawa.

Idinagdag pa nito na ang ikalawang batch  buhat naman sa 500 barangay ay naipagkaloob na rin kahapon.

Naitala ng mga barangay official na nasa 607,000 ang kuwalipikadong pamilya para mabenepisyuhan, gayunman ng kanilang rebyuhin ang listahan, tumaas pa ang benepisyaryo sa 680,000.

Bukod dito, patuloy na nagkakaloob ng relief goods ang pamahalaang lungsod  sa mga senior citizens, solo parents, PWDs at mga drivers.

Maging ang mga mag-aaral sa Lungsod ng Maynila at Unibersidad de Manila ay tumanggap din ng cash allowance.

Ang mga guro ay napagkalooban din ng tig-P5,000 tulong maging ang mga non-teaching personnel. Ang mga tauhan ng MPD ay tumanggap din ng kaban ng bigas.

 

CASH AID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with