Ayon kay Tiangco, sa RIATF NCR Resolution No. 3, pinayagan ang lungsod na isailalim sa ECQ ang mga Barangay NBBS Dagat-Dagatan, NBBS Kaunlaran, NBBS Proper, San Jose, NBBN, Sipac Almacen, Daanghari, Ta­ngos North, Tangos South, at San Roque. Tatagal ang ECQ hanggang Mayo 31.
STAR/Michael Varcas
10 barangay sa Navotas isinailalim sa ECQ
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pag­dedeklara ng Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, isinailalim naman ni Navotas City Mayor Toby Tiangco  sa ECQ simula ngayong araw  ang 10  sa kanyang barangay na may matataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Tiangco, sa RIATF NCR Resolution No. 3, pinayagan ang lungsod na isailalim sa ECQ ang mga Barangay NBBS Dagat-Dagatan, NBBS Kaunlaran, NBBS Proper, San Jose, NBBN, Sipac Almacen, Daanghari, Ta­ngos North, Tangos South, at San Roque. Tatagal ang ECQ hanggang Mayo 31.

Ang mga residenteng tanging may hawak ng mga home quarantine pass (HQP) ang makalalabas para mamili ng pangangailangan.  Walang bagong HQP na maaaring iisyu ang barangay, patuloy na ipapatupad ang schedule sa  pamamalengke.

Aniya ang HQP ay may bisa lamang para sa pamimili ng pagkain, grocery, gamot at iba pang pangangailangan. Ito ay maaari lamang gamitin sa araw ng schedule ng barangay.

Ang mga essential workers o mga manggagawang exempted ng IATF, tulad ng mga nagtatrabaho sa fishport, ay maaari pa ring pumasok sa trabaho dala ang kanilang company ID o certificate of employment.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with