Konsehal pinaaresto ang 2 anak na dawit sa droga
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang magkapatid na kapwa anak ng isang konsehal ng Maynila kasama ang apat pang miyembro ng isang sindikato sa ikinasang drug-bust operation sa Tondo, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang magkapatid na nadakip na sina Janeth Fajardo, 27, at Jonathan Fajardo, 33.  Nabatid na ang dalawa ay mga anak ni District 1 Councilor Jesus Fajardo at mga kapatid ni Barangay 19 Chairman Josephine Fajardo.

Bukod sa kanila, naaresto rin sina Michael Cuaresma, alyas Kulet, 37, itinuturong lider ng Cuaresma Drug Group; Rowena Canlas, 46; Jayson Ramos, 24 at Jay Ramos, 33, pawang mga residente ng Brgy. 19, Tondo.

Sa ulat ng Moriones Police Station ng Manila Police District, dakong alas-8:30 ng gabi nang arestuhin ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa isang bahay Sta. Barbara Street, Brgy. 19, Tondo na ginawa nilang drug den.

Ang operasyon ay bunsod ng isang sumbong na natanggap ng pulisya sa operasyon ng grupo na isa sa nagsusuplay ng ilegal na droga sa Brgy. 19 at kalapit na barangay sa Tondo.  Nagsagawa muna ng balidasyon sa operasyon ng grupo saka ikinasa ang buy-bust.

Nakumpiska sa mga suspek ang ilang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 20 gramo ng shabu na may halagang P136,000.

Sinabi ni Councilor Fajardo na hindi niya kailanman kinunsinti ang mga anak at kailangang maturuan ng mabigat na leksyon.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with