Ayon sa impormasyong nakarating sa The Star, walang kakayahan Ayon sa impormasyong nakarating sa The Star, walang kakayahan umano ang NBP na harapin ang krisis na dulot ng COVID-19. Kasabay pa rito ang masaklap na kondisyon sa loob ng pambansang piitan.umano ang NBP na harapin ang krisis na dulot ng COVID-19. Kasabay pa rito ang masaklap na kondisyon sa loob ng pambansang piitan.
STAR/ File
Mga bilanggong may sakit sa NBP hinahayaan lang mamatay?
Ghio Ong (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna ng krisis sa pandemya ng coronavirus disease 2019, napapabayaan na lang umanong mamatay ang mga may sakit na mga bilanggo sa New Bilibid Prison. Sa Muntinlupa City.

Ayon sa impormasyong nakarating sa The Star, walang kakayahan umano ang NBP na harapin ang krisis na dulot ng COVID-19. Kasabay pa rito ang masaklap na kondisyon sa loob ng pambansang piitan.

“Ang daming na­mamatay sa Maximum na affected ng virus. Walang medical equipment ang NBP para sa COVID-19,” patungkol ng impormante sa kanyang text message patungkol sa maximum-security compound sa NBP.

Ibinunyag pa ng message sender na isa umano ngayong state witness na ang bangkay ng mga namatay na preso ay itinatambak sa isa sa mga dormitory ng maximum-security compound ng NBP dahil  puno na ang morgue nito.

Marami pa anyang bilanggo o persons deprived of liberty na nahawahan ng COVID-19 na nananatili pa rin sa Building 14 na kinakukulungan ng mga high-profile inmates sa medium-security compound at sa tinatawag na “living out” area. “Sa Bldg 14, medium at living out marami na rin. Sir, nauubos ang mga tao roon,” sabi pa ng impormante.

Dinadala naman kina­launan ang mga bangkay sa isang punerarya para sa pagproseso rito.

Pero pinabulaanan ni Bureau of Corrections Spokesman Gabriel Chaclag ang nabanggit na mga akusasyon.

Sinabi ni Chaclag na ang nababanggit na mga preso ay maaaring namatay sa ibang sakit tulad ng diabetes at kanser, hindi sa COVID-19.

Iginiit niya na ang NBP Hospital sa loob ng maximum-security compound na merong 19,923 bilanggo hanggang noong Enero ay walang COVID-19 ward.  Sa halip, meron itong ward para sa mga may sakit na tuberculosis.

Idinagdag niya na ang binabanggit na punerarya ay itinalaga sa pagpro­seso sa bangkay ng mga preso na namatay sa ibang kadahilanan.

Itinalaga rin ng BuCor ang Site Harry sa loob ng NBP compound bilang isolation area para sa mga bilanggo at tauhan ng BuCor na nagpopositibo sa COVID-19. Sa ngayon, merong 117 katao, mga preso karamihan, mula NBP at Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City ang natutuklasang merong COVID-19. Siyam sa kanila ay gumaling na, dagdag ni Chaclag.

Mahigit nang 500 katao sa NBP at CIW ang sumailalim sa rapid CO­VID-19 test ng Research Institute for Tropical Medicine at ng Philippine Red Cross at naghihintay na lang ng resulta. Naunang binatikos ni NBO Hospital Chief Dr. Henry Fabro ang umano’y pagkakaantala ng paglabas ng resulta ng COVID-19 test.

Mula nang magsimula ang pandemya, natatakot nang magpa-check up sa ospital ang mga bilanggo sa NBP.

Nanawagan si Chaclag sa mga partner hospital ng BuCor na tanggapin ang kanilang mga presong may sakit sa kabila ng mga problemang dulot ng kasaluku­yang krisis pangkalusu­gan tulad ng kakulangan ng espasyo.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with