^

4 Chinese tiklo sa P306k droga

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na Chinese national ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 5 sa isang buy-bust operation sa isang hotel sa Maria Orosa St., Malate, Manila na tinutuluyan ng mga suspek kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nakakulong sa istasyon ng MPD ang mga dayuhang suspek na sina Zilong Wang, alyas ‘Chekwaa’, 26; Yang Xoafei, 30; Yang Kun, 24, office staff; at Hao Ming Cu, 26, office staff. Nasamsam sa kanila ang nasa 16 na sachets ng shabu na may street value na P306,000, 10 tabletas na kulay pula at narekober din ang P500 buy-bust money.

MARIA OROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with