^

Metro

Buntis nanganak sa police patrol car

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Walang masakyan patungong ospital

MANILA, Philippines — Pinuri ni National Capital Region Police Office Chief Police Major General Debold Sinas ang kabutihang-loob ng kanyang mga tauhan sa iba’t ibang pamamaraan nang saklolohan ang manganganak na babae na walang masakyan patungo sa ospital sa Navotas City kamakalawa.

Nasa maayos na kalagayan  ang ina na inulat lamang sa pangalang “Ms. Cabisas” at ang sanggol  sa Tanza Lying in Clinic sa Sampaguita St., Navotas City.

Nitong Mayo 2, 2020 nang madaanan ng mobile patrol ng Navotas Police ang buntis at kasama nito sa  Barangay Tanza 2.

Agad na tinugunan nina P/Executive Master Sgt. Caisip, Corporal Gergmar Arconcel at Corporal Harry Alejandro  ang hiling na madala si Cabisas  sa ospital  subalit minuto lamang ay iniluwal ang sanggol mula sa sinapupunan habang sakay pa ng patrol car.

Naisugod naman agad sa nasabing lying in clinic si Cabisas para sa medical intervention.

Ikinatuwa ni Sinas ang naging aksiyon ng mga tauhan ni Navotas Police chief, PColonel Rolando Balasabas sa pagkakaloob ng mahusay na serbisyo sa oras ng kagipitan.

BUNTIS

DEBOLD SINAS

NCR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with