Itinagubilin ni Tugade sa transportation officials na ipa­tupad ang isa pang rental holiday sa extension ng ECQ hanggang Mayo 15.
Geremy Pintolo, file
Ibat-ibang bayarin, singil sa airport concessionaires, ililiban hanggang May 15
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniutos ng Department of Transportation (DOTr) sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng Manila International Airport Authority (MIAA), na palawigin hanggang Mayo 15, ang pagpaliban nang koleksyon ng mga iba’t-ibang mga bayarin at singil sa mga airport concessionaires.

Sa isang virtual na press briefing na pinangunahan ng DOTr Secretary Arthur Tugade at mga transportation officials kabilang dito si MIAA general manager Ed Monreal, ng NAIA, napag-usapan nila ang aksyon na maaaring gawin sa pagtugon sa coronavirus pandemic, at ang mga alituntunin na ipapatupad ng sektor ng transportasyon para sa mga lugar sa bansa na sakop na ng general communtiy quarantine (GCQ).

Sinabi ni CAAP Director General Jim Sydiongco, na ang ahensiya ay may palugit na ipinagpaliban na koleksyon ng ilang mga bayad at singil, kabilang ang lease o rental fees mula sa airport concessionaires.

Ang rental holiday ay pinalawig ng gobyerno hanggang Mayo 15, ng pagsunod sa mga extension ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang mga high risk na mga lugar sa bansa.

Itinagubilin ni Tugade sa transportation officials na ipa­tupad ang isa pang rental holiday sa extension ng ECQ hanggang Mayo 15.

Bukod pa rito, ang isang-taon na pagpapaliban sa  koleksyon ng mga landing at take-off at parking fees para sa domestic at international flights ay naipatupad sa lahat ng CAAP-operated airports.

Para sa MIAA, ang koleksyon ng mga aeronautical fees ng mga lokal na air carrier ay ipinagpaliban ng isang (1) taon epektibo sa Marso 1, 2020 billings.

Ang lahat ng rental charges sa lahat ng mga concessio­naires operating sa terminal, kabilang ang check-in counter charges ay hindi muna sisingiln para sa dalawang (2) buwan epektibo Marso 15, 2020 o hanggang sa naka-iskedyul na katapusan ng ECQ.

CAAP DOTR MIAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with