^
Urban Agri Kits ipinamahagi sa Quezon City
May 6,000 starter kits ang ipamamahagi ng lokal na pamahalaan sa mga taga-QC.
STAR/File

Urban Agri Kits ipinamahagi sa Quezon City

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang magkaroon ng sapat na pagkain ang bawat pamilya at mawakasan ang kagutuman, magkakaloob ang pamahalaang lungsod Quezon ng Urban Agri Kits upang mabigyang pagkakataon ang mga taga-lungsod na makapagtanim ng sariling gulay sa ilalim ng ‘Joy of Urban Farming program’ at sa tulong ng Department of Agriculture (DA)

May 6,000 starter kits ang ipamamahagi ng lokal na pamahalaan sa mga taga-QC.

“We want to make sure that our people will have access to a healthy and safe source of food even during this pandemic. Through this #GrowLokal program, they can now grow their own vegetables,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

Ang  #GrowLokal: Libreng Binhi Starter Kit  ay kapapalooban ng ibat -ibang uri ng gulay  tulad ng talong, okra, kamatis, pechay, mustasa, ampalaya, kangkong, 2 kilo ng organic fertilizer, 3 potting bags, at  guide  sa tamang pagtatanim ng gulay.

Pinasalamatan din ni Belmonte  ang pagkilala ng DA sa ‘Joy of Urban Farming’ project na sumusuporta sa  agriculture sector.

Sinabi ni Belmonte na ang programa ay isa sa  inisyal na hakbang na ipatutupad ng QC Food Security Task Force upang mapunan ang Zero Hunger initiatives, isa sa sustainable development goals ng United Nations upang mawakasan na ang gutom, magkaroon ng  food security, mapasigla ang nutrisyon at mai promote ang sustainable agriculture sa QC.

URBAN AGRI KITS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with