Batay sa imbestigasyon, alas-2 ng madaling araw ng masita ang Isuzu Elf truck (UKS-430) na minamaneho ni Roldan Otadoy, 36 ng Unit 33, Temporary Housing Building 12, Vitas, Tondo, Manila.
STAR/File
Truck driver kulong sa panunuhol
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang truck driver nang tangkain suhulan ang mga pulis na sumita sa kanya at kanyang helper sa checkpoint habang sakay ng isang delivery truck sa Valenzuela City.

Batay sa imbestigasyon, alas-2 ng madaling araw ng masita ang Isuzu Elf truck (UKS-430) na minamaneho ni Roldan Otadoy, 36 ng Unit 33, Temporary Housing Building 12, Vitas, Tondo, Manila.

Kasama  ni Otadoy ang kanyang helper na si Roderick Bunso nang parahin sila sa isang police checkpoint sa panulukan  ng Gov. I. Santiago at Daffodil Streets, Brgy. Malinta.

Ipinaliwanag ng mga pulis kay Otadoy at sa kanyang helper na lumabag sila sa City Ordinance 670 dahil ang karga ng kanilang truck ay 80 sako ng uling at hindi mahalagang kalakal.

Nang isyuhan ang mga ito ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay naglabas si Otadoy ng P500 bill mula sa kanyang license jacket at tinangkang suhulan ang pulis sabay pahayag ng “ Ayusin na lang natin ito, eto, P500, pang meryenda ninyo,” na naging dahilan upang arestuhin ito ng mga pulis at kinumpiska sa kanya ang bribe money.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga dinakip.

HULI PULIS TRUCK DRIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with