^

Metro

Inmates na positibo sa COVID, ‘wag dalhin sa Bilibid

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Inmates na positibo sa COVID, âwag dalhin sa Bilibid
Nabatid na 47 bilanggo buhat sa Correctional na nagpositibo sa COVID-19 ang ililipat sa tinatawag na “Site Harry” sa loob ng NBP na may 300-bed capacity.
STAR/File

Muntinlupa city nagprotesta

MANILA, Philippines — Iprinotesta ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang paglilipat ng Bureau of Corrections (BuCor) sa mga COVID-19 positive na pasyente mula sa Correctional Institution of Women sa Mandaluyong City sa isang isolation area sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Nagpadala na ng liham si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi kay Cabinet Secretary Karlo Nograles para opisyal na salungatin ang BuCor na dinala sa kanilang lungsod ang mga positibong COVID-19 inmates.

Sinabi ni Fresnedi na ginagawa nila lahat ng posibleng mga pamamaraan para hindi na kumalat ang virus sa lungsod ngunit nagulat na lamang sila na dadalhin ang mga positibong inmates sa kanilang siyudad nang walang paalam.

“(Coronavirus disease 2019 is a) potentially catas­trophic virus that poses great risks not only to the people of Muntinlupa, the officials and personnel of the NBP but also to the inmates of said overcrowded prison facility where social distancing may not be feasible,” ayon kay Fresnedi.

Nabatid na 47 bilanggo buhat sa Correctional na nagpositibo sa COVID-19 ang ililipat sa tinatawag na “Site Harry” sa loob ng NBP na may 300-bed capacity.

Ikinatwiran ni Fresnedi na maaaring maapektuhan ng virus ang higit sa 29,000 inmates sa loob ng NBP.

BUREAU OF CORRECTIONS

COVID-19

NEW BILIBID PRISONS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with