^

Metro

Navo Himlayan Cremation libre sa namatay sa COVID-19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

NAVOTAS, Philippines  — Inihayag ng Navotas City  ang libreng cremation services ng NavoHimlayan para sa mga pasyenteng namatay sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Navotas City Mayor , mula March 22, tatlumput-pito na ang namatay  sa COVID-19 sa Navotas ang na-cremate nang libre.

Ang cremation services sa NavoHimlayan ay nagkakahalaga ng P12,000 hanggang P18,000.

“Mahal ang cremation at maaaring masaid nito ang ipon ng isang pamilya, lalo na sa panahon ngayon na kinakaharap natin ang krisis na ito. Sa pamamagitan ng NavoHimlayan, hangad nating maibsan kahit papaano ang pasanin ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19,” ani Tiangco.

Pumirma rin sa memorandum of agreement ang lungsod, kasama ang isang pribadong funeral home, para sa pagsundo at paghatid ng mga bangkay.

Sa ilalim ng MOA, ang funeral home ang kukuha ng bangkay sa ospital o sa bahay nito sa loob ng 12 oras mula nang mamatay ang pasyente at ihahatid ito sa NavoHimlayan.

Ang lungsod ang babalikat sa P8,000 transportation cost at magbibigay sa bawat staff ng NavoHimlayan at ng funeral home ng mga personal protective equipment. 

COVID-19

NAVOTAS CITY

TOBY TIANGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user