^
Rental holidays ng airport concessionaires, pinalawig
Ang direktiba ay ginawa sa isang teleconference meeting sa pagitan nina Tugade at aviation at airports sector officials ng DOTr.
AFP/FIle

Rental holidays ng airport concessionaires, pinalawig

Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon, inatasan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang mga airport authorities para palawigin  hanggang sa katapusan ng Abril, ang pagpapatupad ng rental holidays  at ang pagpapaliban ng pagbabayad sa mga rental fees ng mga airport concessionaires hanggang sa katapusan ng Mayo 2020.

Ang direktiba ay ginawa sa isang teleconference meeting sa pagitan nina Tugade at aviation at airports sector officials ng DOTr.

“Nag-isyu ako ng instruksyon na dahil pinalawig ang enchanced community qua­rantine kaya ang rental holidays ay hanggang sa katapusan ng Abril, kasama rin dito ang rental charges,” sabi ni Tugade.

“As our aviation and airports sector has been hardly-hit by this COVID-19 pande­mic, following the decreasing number of passengers, and flights -- this extension of rental holidays, and deferment of rental charges would ease the burden of paying fees for our airport concessionaires,” sabi ni Tugade.  Ang kautusan ay sumasaklaw sa lahat ng mga concessionaires na nangu­ngupahan / leasing spaces sa mga terminal ng airport sa ilalim ng hurisdiksyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Manila International Airport Authority (MIAA), Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA), at Clark International Airport Corporation (CIAC).

Ayon kay Tugade, dahil sa extension sa Hunyo na magsisimulang magbayad ang mga airport concessionaires ‘lease / rentals ng buong buwan ng Mayo na hindi nila nabayaran.

 

RENTAL HOLIDAYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with