Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kailangang-kailangan ngayon ang mga naturang pasilidad dahil magkakaroon na ng mas maraming COVID testing at inaasahan nang mas darami pa ang mga pasyente na magpopositibo sa virus.
Boy Santos/ File
LGUs, inatasang magtayo ng sariling COVID-19 isolation facilities
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na magtayo ng sarili nilang isolation facilities para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients, sa lalong mada­ling panahon.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kailangang-kailangan ngayon ang mga naturang pasilidad dahil magkakaroon na ng mas maraming COVID testing at inaasahan nang mas darami pa ang mga pasyente na magpopositibo sa virus.

Inatasan na aniya ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga local officials na agarang itayo ang mga naturang pasilidad.

“Kailangan po ito kaya po naglabas si Sec. Año ng kautusan sa lahat ng ating LGUs na magkaroon  sila ng kani-kanilang mga isolation facilities dahil magkakaroon na tayo ng mas mada­ming testing,” ani Malaya. “Definitely tataas po ‘yung porsyento ng COVID-19 positive patients.”

Sinabi ng opisyal na ang pasyente na makukumpirmang may COVID-19, ngunit walang sintomas o ‘di kaya’y may mild symptoms lamang, ay papayuhang manatili sa mga naturang local isolation facilities, dahil ang mga pagamutan ay congested na sa ngayon.

Ani Malaya, maaaring gamitin ng mga LGUs ang inaprubahang “Bayanihan Grant to Cities and Municipalities” para sa pagtatayo ng mga naturang isolation facilities.

Matatandaang kaaapruba lang ng Office of the President sa natu­rang Ba­yanihan Grant, na aabot sa P30.824-bilyon na ang layunin ay mapaghusay pa ang kapasidad ng mga LGUs sa paglaban sa CO­VID-19 crisis.

Sakali naman aniyang hotel ang plano nilang gawing isolation facility, at mayroon silang dapat bayaran, ay maaari nila itong i-charge sa Bayanihan Grant.

Paliwanag pa ni Malaya, ang mga LGUs ay tatanggap ng ekstrang Internal Revenue Allotment (IRA), na ang halaga ay katumbas ng IRA na regular nilang natatanggap mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Para aniya itong 13th month pay.

Inaasahan aniya nilang mailalabas na ang guidelines dito ng DBM hanggang nitong Miyerkules, at matapos lamang ang ilang araw ay matatanggap na ng mga LGUs ang naturang pondo.

COVID-19 EDUARDO AñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with