Ayon kay Elezar, mayroong 58,000 police officers ang kasalukuyang naka-deploy sa Luzon at iba pang 50,000 ang nakareserba para sa operasyon.
Edd Gumban/ File
Dagdag na pulis sa Luzon, ‘di na kailangan-PNP
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Naniniwala si P/ Lt. Gen Guillermo Eleazar, head ng Joint Task Force Corona Virus Shield na sapat na ang mga pulis na nakatalaga sa Luzon na nagpapatupad sa  enchanced community quarantine at hindi na kailangan ang augmentation  mula sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Elezar, mayroong 58,000 police officers ang kasalukuyang naka-deploy sa Luzon at iba pang 50,000 ang nakareserba para sa operasyon.

Epektibo naman ang koordinasyon ng lahat ng police station sa  kampanya at mahigpit naman ang implementasyon nito.

Kailangan lamang aniya ay sumunod sa mga panuntunan ang publiko upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

Nitong Martes, dalawang pulis ang nasawi dahil sa COVID-19, 22 ang tinamaan ng virus, 2 ang nakarekober habang 299 naman ang kinokonsiderang under investigation at 1,384 under monitoring.

Umaasa si Eleazar na hindi na madadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na namatay  sa COVID -19

Dagdag pa nito, ibinibigay din sa mga ito ang protective equipment kagaya ng face masks, gloves at iba pang mahahalagang operational needs.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with