^

Metro

Nangungutya sa COVID patients, frontliner kakasuhan

Pilipino Star Ngayon
Nangungutya sa COVID patients, frontliner kakasuhan
Ayon sa resolution no. 20-08, Series of 2020 ng Metro Manila Council, kinakailangan nang bumalangkas ng ordinansa ang lahat ng lungsod na nagpaparusa sa mga mangungutya o mananakit sa mga frontliner o kaya ay sa mga positibo sa COVID-19.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines  — Kasong kriminal ang maaaring kaharapin ng mga mahuhuling manlalait, mananakot, magpapalayas o mamimisikal sa mga frontliner na nakikipag-laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila, batay sa resolusyon ng mga mayor sa rehiyon.

Ayon sa resolution no. 20-08, Series of 2020 ng Metro Manila Council, kinakailangan nang bumalangkas ng ordinansa ang lahat ng lungsod na nagpaparusa sa mga mangungutya o mananakit sa mga frontliner o kaya ay sa mga positibo sa COVID-19.

Kasunod ito ng mga napapaulat na insidente kung saan may mga namimisikal o kaya nangungutya sa mga health worker o pasyenteng nakikipaglaban sa nasabing sakit.

Halimbawa rito ang ilang insidente kung saan may mga pinapalayas sa mga inuupahang condo at boarding house, maging ang ilang insidente sa social media kung saan may mga nanlalait sa mga pasyenteng under investigation o under monitoring sa sakit.  Nakadepende sa mga lokal na pamahalaan kung paano babalangkasin ang mga ordinansa, ani MMDA General Manager Jojo Garcia na noon ding nagpositibo rin sa virus.

May mga nauna nang nagpatupad ng anti-discrimination ordinance gaya ng Maynila at ng Muntinlupa.

Sa Maynila, pagkakakulong nang 1 hanggang 30 araw at P5,000 multa ang maaaring kaharapin sa mga mangungutya ng mga frontliner. Pareho ang multa sa Muntinlupa. Pero aabutin ng 6 buwan ang pagkakakulong sakaling mambastos, manghiya, at mang-harrass sa COVID-19 frontliners, patients, persons under investigation at persons under monitoring. Bawal din tanggihan ang pagbibigay ng serbisyo sa mga ito. Paglabag din sa ordinansa ang mga tututol o manghaharang sa mga lugar na maaaring pagdalhan sa mga COVID cases ng komunidad.

Kapag na-discriminate, ipinapayong lumapit sa lokal na pamahalaan para magreklamo. Patong-patong na kasong libel, slander, physical injuries ang kasong maaaring harapin ng mga irereklamo.

vuukle comment

COVID-19

METRO MANILA COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with