Misis, timbog sa P1.2 milyong halaga ng overpriced na medical supplies
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Timbog sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang misis na nagbebenta ng mataas na presyo ng produkto at nakumpiska mula sa kanya ang nagkakahalagang P1.2 milyong overpriced na alcohol sa Sta. Cruz Manila, kahapon.

Kinilala ni QCPD Director, P/Brig. Gen.  Ronnie Montejo ang suspek na si Merlita Toong, 47, ng  Buenavidez Street, Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Montejo, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang confidential informant na ang suspek ay nagbebenta ng mataas na presyo ng alcohol, facemasks at safety goggles.

Agad na nakipag-coordinate sa DTI ang mga tauhan ng Quezon City Criminal Investigation and Detection Group District Field Unit (QC-CIDG-DFU) at inaresto ang suspek  sa loob ng Beauty Parlor, sa  Buenavidez Street, Sta Cruz, Maynila.

Nakuha sa suspek ang 40 ng alcohol  l 15,000 pcs. dispo­sable facemasks, 250  na safety goggles na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Agad na dinala sa QC-CIDG Field Unit sa Camp Karingal ang ginang na ngayon  ay nakakulong at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7581 (An Act Providing Protection To Consumers or The Price Act) at Presidential Proclamation 922.

DTI QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with