Inaprubahan ang MMC Resolution No. 20-07 nitong Abril 6 na pirmado ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim at ng mga alkalde ng Metro Manila.
STAR/ File
Orihinal na bilang ng beneficiaries sa SAP, giit ng MMC SA DSWD
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nagpasa  ng isang resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) nitong nakaraang Lunes na iginigiit sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibalik ang orihinal na numero ng ‘target beneficiaries’ sa Social Amelioration Package (SAP) para sa 17 lungsod at munisipalidad sa Kamaynilaan.

Inaprubahan ang MMC Resolution No. 20-07 nitong Abril 6 na pirmado ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim at ng mga alkalde ng Metro Manila.

Nakasaad sa resolusyon na naglabas na ng original na numero ang DSWD-NCR at ang Department of Finance ng mga benepisyaryo para sa Metro Manila ngunit kinalaunan ay binawasan ito.

“Metro Manila has the biggest number of COVID-19 cases nationwide as well as the highest number of adversel­y-affected daily wage earners and numerous extended/multiple per household by region,” ayon sa resolusyon.

“Now therefore, the Metro Manila Council urges the DSWD-NCR and/or the DOF to reinstate the original number of target beneficiaries of the seventeen (17) Metro Manila Local Government Units for purposes of the distribution of the social amelioration packages,”  giit ng MMC.

Ito ay makaraan na ireklamo ni Senador Sherwin Gatcha­lian, dating alkalde ng Valenzuela City na 95,000 pamilya lamang ang naisama sa 155,000 pamilya sa lungsod.  Reklamo rin ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta na nasa 44,000 lamang din ang isinama ng DSWD mula sa 86,000 pamilya nila.

May kahalintulad na reklamo rin ang Muntinlupa at Pa­rañaque City maging ang mga karatig na bayan sa lalawigan ng Rizal.

DSWD MMC SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with