^

Metro

Bilang ng barangay na isinailalim sa extreme enhanced community quarantine sa Quezon City, nadagdagan

Pilipino Star Ngayon
Bilang ng barangay na isinailalim sa extreme enhanced community quarantine sa Quezon City, nadagdagan
Ayon sa ulat ng Quezon City government, 11 pang barangay ang nadagdag sa naturang listahan.Ito ay ang mga sumusunod, Brgy. Manresa, Paltok, Sto.Domingo, Bagong Silangan, Holy Spirit, Payatas, Marilag, Socorro, Kamuning, Pinyahan,St. San Isidro Labrador.
Miguel De Guzman/ File

MANILA, Philippines  — Muling nadagdagan ang bilang nga mga barangay sa lungsod Quezon na isinailalim sa  “extreme enhanced community quarantine” (EECQ) para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon sa ulat ng Quezon City government, 11 pang barangay ang nadagdag sa naturang listahan.Ito ay ang mga sumusunod, Brgy. Manresa, Paltok, Sto.Domingo, Bagong Silangan, Holy Spirit, Payatas, Marilag, Socorro, Kamuning, Pinyahan,St. San Isidro Labrador.

Hindi pa malinaw kung buong barangay o mga bahagi lang nito ang isinailalim sa EECQ.

Isinailalim sa EECQ ang isang lugar kung saan nakatira ang may higit 2 magkakahiwalay na positibong kaso ng COVID-19.

Nauna nang isinailalim sa EECQ ay ang mga sumusunod na barangay, ang BL Crame, Bahay Toro, Batasan Hills, Culiat, E. Rodriguez, Kalusugan, Maharlika, Marilag, Matandang Balara, Paligsahan, Pasong Tamo, R. Magsaysay, San Isidro Galas, San Roque, South Triangle, Tandang Sora, Tatalon, Teachers Village West

Isinailalim  ang mga barangay sa EECQ  batay na rin sa rekomendasyon ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit. Sa ilalim ng EECQ, magpapatupad ng mahigpit na monitoring at surveillance sa mga nabanggit na lugar.

Babantayan ng mga pulis, barangay officials, at health workers ang mga quarantine checkpoint sa lugar.

vuukle comment

EECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with