Sinabi ni Banac na sa report ng PNP Anti-Cybercrime Group, 24 na suspect ang naaresto sa pagpapakalat ng fake news sa social media portals hinggil sa COVID-19 bagay na higit pang lumikha ng pagpapanik sa publiko.
Boy Santos/File
32 katao huli sa fake news sa COVID-19
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 32 katao ang inaaresto ng Philippine National Police (PNP) matapos masangkot sa pagpapakalat ng fake news o mga maling impormasyon sa social media kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Kasabay nito, muli namang nagbabala si PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac sa netizens na iwasan ang magpakalat ng fake news dahilan may katapat itong kaparusahan sa ilalim ng batas.

Sinabi ni Banac na sa report ng PNP Anti-Cybercrime Group, 24 na suspect ang naaresto sa pagpapakalat ng fake news sa social media portals hinggil sa COVID-19 bagay na higit pang  lumikha ng pagpapanik sa publiko.

Samantalang nasa 8 suspect naman ang nasakote ng PNP Regional Offices at PNP Criminal Investigation Group sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa COVID 19.

Ayon kay Banac ang 32 nasakoteng fake news proli­ferators ay nahaharap sa kasong paglabag sa unlawful use of means of publication and unlawful utterances sa ilalim ng Article 154  ng Revised Penal Code na inamyendahan bilang  Sec 4c4 (Online Libel) at Section 6 ng Republic Act No. 10175, o ang Anti-Cybercrime Law.

Inihayag ni Banac na si­mula Marso 9 hanggang nitong Abril 5, 2020 ay nakapagtala ang PNP-ACG ng 32 reklamo na ini-inquest para sa preliminary investigation  kung saan 17 kaso na ang naisampa.

Ang mga nasakote ng cybercops na mga suspect ay mula sa  Quezon City, Eastern Visayas, Central Visayas, CALABARZON, MIMAROPA,  Western Visayas. Zamboanga Peninsula, at CARAGA Region.

“The PNP-ACG under P/Brig. Gen Dennis Agustin will be relentless in taking countermeasures on misinformation and spread of fake reports by conducting cyber patrol operations on social media and other online platforms”, ani Banac.

“The public is urged to cooperate in taking greater steps to topple the COVID-19 pandemic, including to refrain from sharing and posting false reports that may cause panic and confusion”, ang sabi pa ng PNP Spokesman.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with