Nilinaw naman ng kalihim na ang pagsusuot ng masks ay bilang karagdagan lamang sa social distancing at mandatory home quarantine na ipinaiiral ng pamahalaan sa ilalim ng ipinatupad na enhanced community quarantine ng pamahalaan sa Luzon.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon
DILG sa LGUs: Magpasa ng ordinansa sa pagsusuot ng face masks
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGUs) na magpasa ng ordinansa sa kanilang mga lokalidad na nag-aatas sa kanilang mga mamamayan na magsuot ng face masks kung lalabas ng kanilang tahanan bilang bahagi ng mga pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang simpleng pagsusuot ng face masks ay mala­king tulong para labanan ang COVID-19.

Igiinit pa ng kalihim na hindi biro ang sakit na dulot ng COVID-19 kaya’t dapat aniyang maging vigilante ang lahat laban dito.

Sinabi pa ni Año na dahil pahirapan ang pagbili ng N95 at mga surgical masks, ay maaari namang mag-improvised na lamang sila o gumawa ng sariling masks.

Nilinaw naman ng kalihim na ang pagsusuot ng masks ay bilang karagdagan lamang sa social distancing at mandatory home quarantine na ipinaiiral ng pamahalaan sa ilalim ng ipinatupad na enhanced community quarantine ng pamahalaan sa Luzon.

Nauna rito, inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ginawa na ng pamahalaan na mandatory ang pagsusuot ng face masks ng mga residente sa mga lugar na sakop ng enhanced community quarantine.

Dahil sa pagkakaubusan ng face masks, dati namang hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na kung malusog naman sila ay hindi kailangang gumamit ng face masks at ipaubaya na lamang ang mga ito sa mga frontliners at yaong nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19, upang hindi makahawa pa.

Paglilinaw naman ni Health Secretary Francisco Duque III, ang surgical face masks ay disposable at dapat minsan lamang gamitin sa loob ng mula walo hanggang 10-oras lamang.

 

FACE MASKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with