Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, katuwang ang Pilipinas TeleHealth, inilunsad nila ang programa na makapagbibigay ng agarang pangangalaga sa mga residente ng Marikina at maprotektahan pa ang mga frontliners gamit ang teknolohiya habang nilalabanan ang COVID-19.
Marikina PIO
TeleHealth program, binuksan sa Marikina
(Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang matulungan ang mga pasyente na makakuha ng agarang tulong medikal ngayong panahon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, binuksan ng Marikina City Government nitong Lunes ang TeleHealth program, na makatutulong sa mga residente ng lungsod upang maikonsulta sa mga doktor ang kanilang sitwasyong pangkalusugan nang hindi na kakailanganin pang umalis ng kanilang mga tahanan.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, katuwang ang Pilipinas TeleHealth, inilunsad nila ang programa na makapagbibigay ng agarang pangangalaga sa mga residente ng Marikina at maprotektahan pa ang mga frontliners gamit ang teknolohiya habang nilalabanan ang COVID-19.

Anang alkalde, upang ma-avail ang website, maaaring i-click lamang ang link na https://pilipinastele.vsee.me/u/marikina.

Mayroon rin naman aniyang mobile application na VSee Messenger, na maaaring i-download sa pamamagitan ng Google Play Store at Apple App Store.

“Itong application na ginagamit natin ay puwedeng i-download sa cellphone at sa iyong computer para sa ganoon ay makapag-chat kayo at makapag-video conference. May instruction ito kung paano ito i-download,” ani Teodoro.

Aniya, internet ang limitasyon ng programa, at sinabing kalahati lamang ng kanilang mga residente ay mayroong internet access ngunit tiniyak na gagawa ang lokal na pamahalaan upang masolusyunan ito.

Sinabi ni Teodoro na pangunahing layunin ng programa na mabawasan ang panganib ng viral exposure ng mga doctors at medical providers sa tulong ng TeleHealth.

Maaari na rin aniyang makahingi ng medical assistance ang mga residente nang hindi na kakailanganing magtungo sa pagamutan at makakatanggap rin ng mga gamot sa mismong kanilang tahanan, upang mabawasan ang mobility sa panahon ng quarantine.

 

TELEHEALTH PROGRAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with