8 COVID-19 patients sa Quezon City, gumaling na
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walong pasyente na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naka-confine sa dalawang Quezon City-run facilities ang gumaling na mula sa kanilang karamdaman.

Ayon kay Dr. Vince Mendoza ng Hope 1 facility ng QC , apat sa mga pasyenteng gumaling ay galing sa Hope 1.

Sinabi naman ni Quezon City General Hospital (QCGH) director Dr. Josephine Sabando, ang apat na iba pang gumaling na pasyente ay mula sa kanilang ospital.

Ayon kay Sabado, 3 sa 4 na recovered patients  na mula sa QCGH ay mga matatanda na may co-morbid disease.

“The discharged patients are all clinically improved, obtaining at least once negative COVID-19 result, the number is still considerable -- worthy of quiet applause to motivate our workforce. This is our start. This is our victory,” pahayag ni Mendoza.

Gayunman, sinabi ni Mendoza na ang mga recovered patients ay kailangan pa ring sumailalim sa 14-days home quarantine at magkaroon ng follow-up examination makaraan ang 14 na araw.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Mendoza sa publiko na ugaliing maghugas ng kamay, magkaroon ng social distancing at mamalagi sa bahay para makaiwas na mahawa ng  COVID-19.

Patuloy naman ang pag­lulunsad ng mga programa ang QC government para mapangalagaan ang kaligtasan ng kalusugan ng mga taga lunsod laban sa COVID-19 kasama na ang pagtatayo ng Hope I at Hope II na nagsisilbing quarantine facility ng mga persons under investigation (PUI) at persons under monitoring (PUM) sa QC.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with