^

Metro

7 katao timbog sa P.6 milyong shabu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
7 katao timbog sa P.6 milyong  shabu
Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Dario Menor, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation sa A. Mabini Road, Brgy. 23, Caloocan City.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Pito katao na pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na droga ang dinakip nang makuhanan ng mahigit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa gitna ng enhanced community quarantine sa Caloocan at Valenzuela Cities kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Dario Menor, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU)  ng buy-bust operation sa A. Mabini Road, Brgy. 23, Caloocan City.

Nadakip sa operation si Ann Margaret Pascual, alyas Love, 33, baby sitter, ng Phase II, Area III, Dagat-Dagatan; Lora Quimado  alyas Bajing, 27, vendor, at Alexander Gabriel, 39, kapwa ng Sto. Tomas St., May Pajo sa naturang lunsod, matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang nasa 38 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P258,400 ang halaga, buy-bust money at P500.00 cash.

Nasakote din ng mga ope­ratiba ng Caloocan Police SDEU sa buy-bust operation sa kahabaan ng Feliciano Road, Brgy, Ugong, Valenzuela City, alas-10:10 ng gabi ng Sabado si Ernanie Joseph alyas Nano, 30, Grab driver, vendor, ng 57 J.B Miguel Bam-Bang St., Pasig City; Stephen Yu, alyas Steve, 35, driver; Alvin Escover, 39, driver, at Jacqueline Pornobe alyas Jacky, 34, Head Dresser, pawang residente ng Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Nakumpiska ng pulisya sa mga suspek ang nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P408,000 ang halaga, P10,000 buy-bust/boodle money at P500.00 cash.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 of Article II of R.A. 9165 ang isinampang kaso ng pulisya kontra sa mga naa­restong suspek.

vuukle comment

DARIO MENOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with