^

Metro

Community kitchen sa Pasig City inilunsad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Community kitchen sa Pasig City inilunsad
Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ang ginagamit na mga gulay sa Community kitchen ay kanilang binili sa Benguet na siyang niluluto at ipinapakain sa 3,000 frontliners at iba pang residente.
Michael Varcas/ File

MANILA, Philippines  — Inilunsad sa Pasig City ang Community kitchen na nagpapakain sa lahat  ng mga frontliners at iba pang residente sa lunsod ngayong nakataas ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ang ginagamit na mga gulay sa Community kitchen ay kanilang binili sa Benguet na siyang niluluto at  ipinapakain sa 3,000 frontliners at iba pang residente.

Bukod sa pagbili ng gulay ng Pasig City government ay nagbigay din tulong at namakyaw ng gulay Ang Prosinsyano  Partylist Rep. Ronnie Ong.

Ayon kay Mayor Sotto, malaking tulong ang ibinigay na mga gulay ni Ong dahil kulang ang suplay ng gulay sa mga palengke.

Bukod sa masustansiya na ang ipapakain sa mga frontliners ay malaking tulong din sa mga magsasaka sa Benguet dahil pinapakyaw ang kanilang mga ani.

Nagpapasalamat din ang alkalde sa sakripisyo ng mga nagluluto at naghahanda ng pagkain para sa frontliners.

Aniya, nakatitiyak siya malinis at masustansiyang pagkain ang naihahatid sa mga frontliner sa lungsod.

Sa Pasig City rin nagsi­mula ang mobile palengke na naglilibot sa bawat barangay upang hindi na pumunta pa sa pamilihang bayan ang mga residente sa lunsod na ngayon ay ginaya at ipinatutupad na rin sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.

vuukle comment

ECQ

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with