^

Metro

15 preso ibinukod dahil sa COVID

Romina Cabrera - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Ibinukod ng Quezon City Jail ang 15 sa mga preso nito bilang paraan ng pag-iingat makaraang makasalamuha nila ang isang ‘person deprived of liberty’ na namatay noong nakaraang linggo dahil sa posibleng infection sa novel coronavirus 2019.

Sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health at pamahalaang-lokal ng Quezon City para sa testing ng mga inihiwalay na preso o PDL.

Kasunod ito ng pagkamatay noong Marso 25 ng isang PDL at ipinahiwatig sa kanyang death certificate ang  “possible COVID-19 infection” makaraang ideklara sa ospital ang kanyang pagkamatay.

Sinabi ni BJMP Spokesperson Xavier Solda na ang naturang PDL ay dumanas ng ‘myocardial’infraction’ at ‘heart’problems’ bago namatay ito.

Sinabi pa niya na agad silang nagsagawa ng contact tracing at ibinukod ang mga bilanggo na kasama sa selda ng namatay na PDL makaraang matanggap nila ang report.

Wala namang lumilitaw na mga sintomas ng COVID-19 sa isolated na mga detenido.

Idinagdag ni Solda na walang dapat ikabahala hinggil sa COVID-19 sa masikip na bilangguan na merong nakakulong na 3,800 katao.

“Dapat ba kaming maa­larma,  hindi pa. As far as the BJMP is concerned, we are strictly implementing our precautionary measures to make sure our PDLs and personnel are safe,” sabi niya sa isang panayam sa telepono.

Wala pa anya silang impormasyon kung ang namatay na PDL ay na-test sa COVID-19 bago ito na-cremate na agad isinagawa pagkamatay niya.

Ang namatay na PDL ay may kasong may kinalaman sa droga pero wala nang ibang maibigay na detalye ang BJMP.

Meron namang isang tauhan ng BJMP, isang babaeng paralegal officer na nagpositibo sa COVID-19.

Tiniyak ni Solda na hindi nagkaroon ng kontak ang paralegal officer na nagpositibo sa COVID-19 at sa mga bilanggo lalo na sa PDL na namatay.

“Malinaw na hindi nagkaroon at all  ng interaction but we are on the caution side. We have our preventive mea­sures,” dagdag niya.

Naunang isinailalim ng BJMP sa lockdown ang mga kulungan nito at sinuspinde ang visitation bago pa ipinatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Idinagdag ni Solda na mahigpit nilang ipinapatupad ang quarantine protocol.

vuukle comment

COVID-19

PDL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with