^

Metro

762 pamilya sa Parañaque unang nakatanggap ng tulong sa Bayanihan fund

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
762 pamilya sa Parañaque unang nakatanggap ng tulong sa Bayanihan fund
Sinabi ng Kalihim, ito na ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Brgy. Vitalez, District 1 ng lungsod ang kauna-unahang nabigyan ng P8,000 bawat pamilya.
Presidential Photo/Toto Lozano

MANILA, Philippines  — Pinangunahan ni Chief Implementor National Action Plan Againts Covid-19 Secretary Carlito Galvez kasama si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang isinagawang kauna-unahang pagbibigay ng Special Amelioration Prog­ram (SAP) Baya­nihan fund na tulong laban sa COVID-19 kama­kalawa ng hapon sa Brgy. Vitalez sa Parañaque City.

Sinabi ng Kalihim, ito na ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Brgy. Vitalez, District 1 ng lungsod ang kauna-unahang nabigyan ng P8,000 bawat pamilya.

Nauna nang inihayag ng Pangulo na walang maiiwan sa labang ito at handa ang gobyerno na tumulong sa bawat mamamayan lalo na ang vulnerable sector na labis na naapektuhan ng enhanced community quarantine bilang bahagi ng paglaban sa COVID-19.

Bandang alas-5:00 ng hapon nang ihinto ang pagbibigay sa 762 pamilya ng nasabing halaga pero tiniyak nang Kalihim na itutuloy ng Parañaque City Govern­ment ang pagbibigay ng P8,000 tulong sa mga residente ng Bgy. Vitalez sa Parañaque City.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with