^

Metro

PCSO at PhilHealth, nagsanib puwersa sa ayuda

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PCSO at PhilHealth, nagsanib puwersa sa ayuda
Sinabi naman ni PCSO General Manager (GM) Royina Garma na nagkaloob sila ng P420.585 milyon para makober ang COVID-19 related packages ng PhilHealth.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Nagsanib na ng puwer­sa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at PhilHealth upang matiyak na mabibigyan ng ayuda ang mga coronavirus ­disease-2019 (COVID-19) patients sa kanilang mga bayarin sa pagpapagamot.

Una nang sinabi ng PhilHealth na sila na ang sasagot sa buong halaga ng CO­VID-19 treatments hanggang April 14, 2020 at maglalabas sila ng mga bagong guidelines para sa COVID-19 packages base sa tinatanggap na protocols.

Sinabi naman ni PCSO General Manager (GM) Royina Garma na nagkaloob sila ng P420.585 milyon para makober ang COVID-19 related packages ng PhilHealth.

“At a time when CO­VID-19 cases are on the rise, PCSO’s contribution will reinforce the capability of PhilHealth to respond to the pandemic,” ani Garma.

“For COVID-19 patients and their families who battle with uncertainty, knowing that the cost of hospitalization is one less worry is a big relief,” aniya pa.

Nabatid na Pebrero pa lamang nang simulan ng PCSO ang paglalaan ng pondo para suportahan ang pagsusumikap ng pamahalaan na sugpuin ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi naman ni Garma na ang naturang pondo na ginagamit nila ay mula sa mga suki ng mga palaro ng PCSO, kaya’t laking pasalamat niya sa mga ito sa kanilang patuloy na pagtangkilik at suporta.

Ang PCSO ay isa sa mga katuwang ng pamahalaan sa pagkakaloob ng healthcare services at nation-building sa mga mamamayan.

vuukle comment

PCSO

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with