^

Metro

Preso patay, 1 pa naospital sa siksikang piitan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang preso,  habang isa pa  ang nilalapatan ng lunas sa Pasay City Ge­neral Hospital (PCGH) matapos magkasunod na mag-collapse sa loob ng Station Investigation Detective Management Unit (SIDMU) detention facility ng Pasay City Police, kahapon ng umaga.

Dakong alas-8:00 ng uma­ga ng Abril 3, nang isugod ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office sa nasabing pagamutan si Aprodencio Barrios Jr., 40, may kasong alarm scandal at illegal possession of firearm at residente ng Malibay, Pasay City.

Ayon sa ulat, nangisay hanggang sa matumba si Barrios kaya ipinaalam ito sa duty jailer at dinala sa ospital.

Ilang minuto lamang sa ospital ay binawian na ng buhay si Barrios.

Dakong alas- 8:45 ng uma­ga nang mag-collapse din sa loob ng selda si Roy Balbon, 41, may kasong iligal na droga dahilan upang isugod din sa nasabing pagamutan. May ilang araw na umano itong nakararanas ng diarrhea.

Nabatid na siksikan ang 120  presong  lalaki sa  nasabing kulungan na lalo pang nagpapainit ng kondis­yon  ngayong napakainit din ng temperatura ng panahon. Nasa 28 naman ang babaeng preso.

Kahapon din ay umalalay ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) sa SIDMU para bantayan ang mga presong pansamantalang pinalabas upang makalanghap ng hangin habang dinisinfect naman ang selda.

vuukle comment

PCGH

SIDMU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with