^

Metro

2 PNP personnel nasawi sa COVID-19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 PNP personnel nasawi sa COVID-19
Ayon kay B/Gen. Bernard Banac, spokesman ng PNP, base sa datos ng PNP Health Service ang dalawang nasawing personnel ay PNP patient number 13, 46-anyos, nakatalaga sa Laguna at PNP patient no. 8, 48-anyos, nakatalaga sa Metro Manila.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na 2 nilang  personnel ang nasawi sa sakit na coronavirus o COVID-19.   

Ayon kay B/Gen. Bernard Banac, spokesman ng PNP, base sa datos ng PNP Health Service ang dalawang nasawing personnel ay PNP patient number 13, 46-anyos, nakatalaga sa Laguna at PNP patient no. 8, 48-anyos, nakatalaga sa Metro Manila.

Si PNP 13, unang naitala bilang Person Under Monitoring (PUM) ay nasawi noong March 27 dahil sa atake sa puso ngunit makalipas ang 1 linggo lumabas sa pagsusuri na nagpositibo ito sa COVID-19. Habang binawian  ng buhay si PNP no. 8 kamakalawa ng gabi.  

Si PNP no. 8 ay isinugod sa pagamutan noong March 19  habang naka-duty nang makaranas ng mataas na lagnat ay agad na isinugod sa pagamutan at nasuring positibo sa virus. 

Nagpaabot na ng pakikiramay si PNP Chief Gen Archie Gamboa sa pamilya ng nasawing pulis at tiniyak ang pagkakaloob ng buong financial support at social benefit nito.

Sa kasalukuyan 13 personnel na ang nagpositibo sa ­COVid-19 habang  209 personnel (39 PCO, 161 PNCO at 9 NUP) ang itinuturing na Person Under Investigation habang 1,600 personnel (368 PCO, 1172 PNCO at 60 NUP) ang Person Under Monitoring.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with