^

Metro

Hoarders, panic-buying shoppers pagmumultahin sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasa na ng ordinansa  ang Pasay City Council  na pagmumultahin ng P5,000  ang sinumang mahuhuli sa hoarding at panic buying ng mga produkto habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa bansa bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic.

Nangangahulugang limitado lamang ang dapat bilhin ng isang kustomer ng mga pagkain at iba pang essential products tulad ng alcohol, sanitizers, disinfectants, face masks para hindi naman maubusan o mawalan ang iba pang mamimili.

“Dapat matigil na po itong maling paraan ng pamimili. Sapat po ang ating mga supply, at Ito ay ginagarantiya naman ng Department of Trade and Industry at ng Department of Agriculture,” ani Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sa bawat transaksiyon, dapat na makabili lamang ng hindi lalagpas sa: 3 lata ng sardinas; 5 pang canned goods  ng iba pang produkto; 2 loaves of bread; isang dosenang itlog;  50 kilo ng bigas; isang litro ng mantika; 12 instant noodles; isang kilo ng asukal.

Isang kilo ng gatas o 12 sachets; 2 bote o  packs ng condiments: soy sauce, vinegar, at fish sauce; six (6) packs of dried fish; 10 small bottles of mineral water, o  8 medium-sized bottles, o 5 large-sized bottles, o 2 extra-large bottles.

Ganito rin ang gagawin sa mga non-food items.

Inatasan din ang mga grocery at supermarkets na maglagay ng patalastas o paalala sa kustomer na limitado lang ang dapat nilang bilhin sa mga partikular na basic necessities.

vuukle comment

HOARDERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with