^

Metro

Namamahiya sa mga health workers, PUI at PUM sa Maynila, kakasuhan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahaharap sa posibleng pagkakulong bukod pa sa multa ang sinuman na mamamahiya at mambabastos sa mga pas­yenteng positibo sa corona­virus disease (COVID-19), mga Persons Under Investigation (PUIs), Persons Under Monitoring (PUMs) at mga health workers sa lungsod ng Maynila.

Ito ay makaraang ipasa ng Sangguniang Panglungsod ng Maynila at pirmahan ni Mayor Isko Moreno ang “Anti COVID-19 Discrimination Ordinance of 2020” na magbibigay ng proteksyon sa mga nabanggit laban sa anumang uri ng diskriminasyon.

Kabilang din sa prinoprotektahan ng ordinansang ito laban sa maling pagtrato at pambabastos ay ang mga doktor, nurse, frontliners, volun­teer workers at iba pang mga kawani sa sektor ng kalusugan at service workers.

Ayon dito, hindi maa­aring harangin ang mga PUI, PUM, frontliners at medical wor­kers na nais umuwi sa kani­lang tinutuluyan kung sila ay mayroong maipapakitang COVID-19 clearance mula sa mga health officials.

Sinumang magpapakalat ng sensitibong impormasyon, sa publiko man o sa social media, tungkol sa positibo o pinaghihinalaang pasyente, kumpirmado man ito o hindi, ay maaaring sampahan ng kaso. 

Ayon sa ordinansa, sinumang lalabag dito ay magbabayad ng danyos na limang libong piso (P5, 000) at maa­aring makulong ng hindi hihigit sa anim (6) na buwan. 

vuukle comment

PUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with