^

Metro

DILG, kinampihan si Mayor Vico

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DILG, kinampihan si Mayor Vico
Ayon kay DILG Spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya, ang ginawang pagpapatawag ng NBI kay Sotto ay maituturing na lamang na ‘political distraction’ ngayong nahaharap ang bansa sa isang health crisis dahil sa pananalasa ng coronavirus disease 2019.
Michael Varcas/ Fle

MANILA, Philippines  — Nakahanap ng kakampi si Pasig City Mayor Vico Sotto sa katauhan ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) hinggil sa kinakaharap niyang imbestigasyon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos umanong payagang bumiyahe ang mga tricycle sa kanilang lungsod kahit pa umiiral na ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Ayon kay DILG Spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya, ang ginawang pagpapatawag ng NBI kay Sotto ay maituturing na lamang na ‘political distraction’ ngayong nahaharap ang bansa sa isang health crisis dahil sa pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Giit ni Malaya, sa halip na pagtuunan ang ibang bagay ay dapat na naghahanda ang lahat at nagtutulungan upang masugpo ang COVID-19 crisis.

Nauna rito, pinadalhan ng NBI si Sotto ng isang liham at inanyayahang humarap sa kanilang tanggapan sa Abril 7 upang magpaliwanag ang hinggil sa posibleng paglabag sa “Bayanihan to Heal As One Act” matapos umanong  payagang mag-operate ang mga tricycle sa Pasig City gayung suspendido ang public transportation dahil sa community quarantine.

Sinabi naman ni Malaya na kung ang DILG ang tatanungin ay tapos na at naresolba na ang naturang isyu.

Aminado siya na nagkaroon ng bahagyang di pagkakaunawaan ang DILG at si Sotto ngunit naayos na aniya ito nang tumalima ang alkalde sa kautusan ng ahensiya.

Nanindigan naman si   Mayor Vico Sotto na wala siyang nilabag na batas dahil hindi pa umiiral ang “Bayanihan to Heal as One Act” nang pumutok ang isyu sa pagpapa-operate ng mga tricycle sa lungsod.

“They’re asking for an “explanation on the alleged violation of the Bayanihan to Heal as One Act (e.g. conti­nuous tricycle operation)”.  We complied with all directives. Hindi po illegal magbigay ng opinyon....at alam kaya nila na March 24 naging batas ang Bayanihan Act?” anang alkalde.

“Acc. to NBI Deputy Dir. Lavin, the issue has been ‘politicized & sensationa­lized’.  I agree. But with all due respect sir, pls stop and think why it reached this point: Side niyo ang nag-leak ng kopya ng sulat sa reporter. Nagpa-receive tao ninyo sa opis ko, may kasama pang media,” aniya pa

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with