^

Metro

Taguig, maagang namahagi ng P4K tulong pinansiyal sa mga TODA, JODA at PODA

Pilipino Star Ngayon

May kasunod pa

TAGUIG, Philippines — Nagsimula nang makatanggap ngayong Huwebes ng P4,000  tulong pinansiyal ang mga drayber ng traysikel, jeep, at pedicab ng Taguig bilang tugon ng pamahalaan sa epekto ng quarantine dulot ng COVID-19.

Sa unang pagbibigay na isinagawa sa halos  700 kasapi ng  SUBTODAI, UBTODAI, BCBTTODA, UBTSA and MPC, and CBDCUBTODA ang nakatanggap na ng kanilang P4,000 tulong pinansiyal. Ginawa ang distribusyon ng per batch at mahigpit na nagpatupad ng social distancing upang masiguro ang kaligtasan ng mga drivers.

Ang natitirang miyembro ay inaasahang matatatanggap nila ang kanilang P4,000 sa susunod na mga araw.

Mahigit sa 15,000 miyembro ng mga asosyayon ng traysikel opereytor at drayber  (TODA), jeepney opereytor  at drayber (JODA) at pedicab opereytor at drayber (PODA) ang tatatanggap ng ayudang ito mula sa pamahalaang lungsod.

Sa susunod na buwan, mamimigay uli ng karagdagang P4,000.

“Laking pasalamat namin sa tulong na ito mula sa Taguig City government. Malaking bagay dahil hindi lang isang buwan kundi dalawang buwan matutulungan kami at an gaming mga pamilya,” saad ni Arvin Penolio na presidente ng  UBTODAI.

Ayon kayo Penolio, tanggap niya kung bakit pinagbabawal muna ang pamamasada dahil sa enhanced community quarantine.

Bukod sa tulong pinansiyal, tumutulong din ang transport sector sa pagdisinfect ng mga pamayanang sakop ng kanilang ruta, gamit ang sprayers na ibinigay ng pamahalaang lungsod.

Ang ayudang ito para sa transport sector ay isa lamang sa mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang makapag-abot ng tulong sa mga residente sa panahon ng enhanced community quarantine. Nakapagbigay na rin ang lungsod ng mga stay-at-home family food packs at ng anti-COVID 19 kits sa komunidad.

Nitong Abril 1, 2020,  ang pamahaalang lungsod ay nakapamahagi na ng 104,612 stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeños. Ang mga food packs na ito ay naglalaman ng bigas, mga delata, noodles, kape, cereal drink, at tubig na pwedeng mainom. Ang food packs ay sapat sa 3-4 na araw sa pamilyang may 5 miyembro.

Naipamahagi ng Lungsod Taguig ang 54,904 anti-COVID 19 kits sa mga se­nior citizens, mga PWDs, at ang mga taong mahina sa sakit. Ang kit ay naglalaman ng mga bitaminang aabot hanggang sa 30 na araw, masks, mga antibacterial na sabon, at mga materyales na naglalaman ng impormasyon sa tamang pag-hugas ng kamay, paano mag-linis ng kanilang tahanan at kapaligiran, at iba pang mahahalagang impormasyon na kailangan malaman ukol sa sakit na COVID-19.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with