Ayon kay PRC chairman at chief executive officer Sen. Richard Gordon, gagawin nilang prayoridad ang pagsasagawa ng testing sa mga barangay sa Quezon City na may pinakamaraming COVID-19 cases at ang city government aniya ang sasagot sa mga gastusin dito.
Geremy Pintolo/ File
Quezon City residence, isasailalim sa screening ng PRC vs COVID-19
Angie dela Cruz, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines  — Plano ng Philippine Red Cross (PRC) na isailalim ang mga residente ng Quezon City sa screening laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), bunsod na rin nang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng sakit sa lungsod.

Ayon kay PRC chairman at chief executive officer Sen. Richard Gordon, gagawin nilang prayoridad ang pagsasagawa ng testing sa mga barangay sa Quezon City na may pinakamaraming COVID-19 cases at ang city government aniya ang sasagot sa mga gastusin dito.

“Sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, doon kami unang magte-test, sasagutin niya lahat ng magte-test doon sa Quezon City,” ani Gordon.

Maaari umanong maisagawa ang testing sa mga taga-Quezon City sa susunod na linggo.

Inaasahan namang gagamitin ng PRC sa testing ang dalawang bagong biling makina nito na kayang magsagawa ng kabuuang 3,000 COVID-19 tests sa loob ng isang araw, at kaya ring maglabas ng resulta sa loob lamang ng tatlong oras.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin umano ang PRC sa mga local government kung paano makakapunta ang kanilang mga residente sa punong tanggapan ng PRC sa Mandaluyong City, kung saan idedeploy ang mga makina na magsasagawa ng pagsusuri.

Maaari umanong maisagawa ang testing sa convention center ng PRC office, kung saan kasya ang may 800 katao.

Ang pagpapapasok sa lugar ay lilimitahan lamang sa 100 katao kada-oras para maipatupad ang social distancing.

Sinabi ni Gordon na kung magiging maayos ang screening, magsasagawa rin sila ng testing sa kanilang headquarters in sa Port Area, Manila, gamit ang kahalintulad na protocol at ang gastusin ay babalikatin ng pamahalaan.

PRC RICHARD GORDON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with